daloy

Minsan darating ang pagkakataon na maiisip mo na lang na baligtarin ang suot mong t-shirt na akala mo ay naliligaw ka at parang nauulit lang ang mga dinaanan mo. Minsan kahit patuloy mo ang-iwasan ay uulit at uulit din. At darating ang oras na maiisip mo na tapusin na lang dahil alam mo rin naman na uulit at uulit pa rin. Pero pag tinapos mo naman, para mo na ring inulit yung ginawa mo dahil mangayari pa rin ang mga naganap na ayaw mo ng ulit-ulitin pa.

Hanggang sa hindi mo na alam ang gagawin. Pinipilit mong iwasan na maulit ang isa bagay sa pamamagitan ng pag-ulit sa isang bagay na ginawa mo noon. Walang katapusang pag-ulit ng mga pangyayari iniiwasan mong maulit at hinihiling mo na sana ay huwag ng maulit pa.

Leave a Comment

Naulit lang

May pagkakataon na maiisip mo kung saan bahagi ka nagkamali. Babalikan ko kung saan kabanata mo nagawa ang mga bagay na di sinasadya kung saan nagkaroon na epekto sa kasalukuyan. Mapapansin mong wala dahil nagawa mo naman ang tama at kung ano ang nararapat. Pero bakit may maling kinahantungan. Yun ang itatanong mo sa sarili ko. Iisipin mong maigi. Mula sa malayo, wala naman kakaiba at dala na rin siguro ng panahon at mga pangyayari. Pero mararamdaman mong na may mali. Dahil ganun na ganun ang naramdaman mo nung huling beses na nakaramdam ka ng ganyan.

May mga bagay na nangyayari na hindi mo inaasahan at ang mga bagay naman na inaasahan mo ay hindi nagkakaroon ng katuparan kahit na ilan beses mo pang gustuhin. Ilalayo talaga iyon sayo. At pagkatapos ay makukuntento ka na lang sa mga sagot na nilikha ng isip mo. Na upang hindi na ulit makaramdam ng ganun sakit ay ipagwawalang bahala mo na lang o kaya uunahan mo ang tadhana sa gusto nyang mangyari at shempre aasahan mo na hindi yun tutugma sa kagustuhan mo.

Minsan sa umpisa ay pakiramdam mo ay ayos lang. Darating ang panahon at unti-unti kang sisingilin ng kasinungalingan nilikha mo para lokohin ang sarili mo. Umiwas ka man sa sakit, uulit at uulitin din iyon.

Tapos ay isisisi mo sa panahon dahil wala kang ibang masisi. Magagalit ka sa tadhana dahil ganun ang nangyari. Iiyak ka ng wala kang karamay dahil ang inaasahan mong sana ay nandyan ay wala naman pala. Wala na pala.

Leave a Comment

Kung ang problema ay by appointment

Kanina tinanong ko ang isa kong kaibigan kung bakit ang cinnamon eh tinuturing na spice pero di naman siya spicy. Kung bakit ang coke-zero na zero sugar ay matamis kahit walang naman asukal. Medyo scientific ang approach nung sagot nya. Sabi nya dahil sa Artificial sweeteners na kaparehas ng compound ng glucose o sugar. Ang artificial ba ay macoconsider na fake? Sumagot lang sya ng “hmmm”.

Kung bakit marami akong close friend na parang di naman kami close talaga. At kung bakit may mga bestfriend na di naman best.

Aba, akalain mong pinagalitan pa ako. Bakit daw kailangan mag-label kung di naman angkop yung tao at sitwasyon.

Bakit nga ba kung minsan naghahanap ka ng makakausap pero humahantong ka na lang sa pakikipag-usap sa sarili mo? (Ibang level siguro kung tatawa pa kayo)

Bakit kung kelan mo kailangan ng kasama saka wala naman tao?

Para saan nga ba ang “Available, Busy, Away, Out to Lunch, On Vacation” Status sa YM. Para ba malaman ng kausap mo kung anong ginagawa mo?

Bakit may taong busy kahit di naman busy? O available tapos sasabihin na may ginagawa sila.

Bakit may taong naka-headphone at nagkukunwari na may pinapakinggan kahit wala naman talaga?

Bakit kung kelan kailangan ko ng karamay saka naman ako hihiritan ng sariling problema nila?

Bakit kung kelan ako naglalabas ng sama ng loob saka naman sila sumasabay saakin? (hindi ito yung utot ha.)

Kung bakit kahit aminin mo pa na ikaw ang may-mali ikaw pa ang sasabihan ng hindi nakakaintindi.

At kung bakit kung sino pa yung malapit parang ang layo naman pala.

Wrong timing ba ako? Hindi naman by appointment dumarating ang problema eh. Pwede kaya yun isingit sa weekly planner para organize. O kaya daily quota na kailangan 3 hours lang ako iiyak sa isang problema.

Kung may naoverlooked man ako cguro meant to be na yun. Maraming paraan dba. Yun lang eh kung gusto talagang gawin.

Leave a Comment

Agwat

At sana di na rin nya yun maalala pa. Maraming paraan pero kahit isa alam kong wala syang pinili. Sa haba ng panahon, alam kong  wala syang pinag-isipan.  Mali ako nung inisip kong kawalan ng lakas ng loob ang pumipigil sa kanya na bumalik. Dahil dahil wala talaga syang balak. Pinanindigan nya ang desisyon nya at pinili ang tuluyan nyang pagkalimit.

Sana nga ay lumipas na rin sa isip nya ang lahat ng tungkol saakin, kay Jeni, kay Jacq, kay Elysse at sa iba pang mga nakilala nya at bigla na lang iniwan. Sana katulad ng saakin ay maiwan na lang sa alaala nya ang pag-alala sa mga alaala tungkol sa samahan namin.

Wala na rin akong balak na alamin pa kung ano ang nangyari. Masaya na sya siguro. At kung hindi man. Hindi ko na yun iintindihin pa. Sayang lang sa oras. Babalik ba sya pag nangyari yun? Hindi rin naman. mas makakabuti kung intindihin ko n lang kung sino ang malapit saakin. Kaysa sa kanya na habang tumatagal eh tuluyang dumadagdag ang agwat ng patlang sa pagitan namin.

Leave a Comment

Patlang

May 6 ngayon, two days ago ay birthday ni Jenhao. Kung dati-rati naka-alarm pa sa cellphone ko o kaya ay naka-alert sa friendster yung araw ng May 4 kaya maaga pa lang ay nakakapaghanda na kami nila Jeni, Kana, at Jacq ng pabati. Ngayon parang naging ordinaryong araw na lang. Kelan nga pala ako huling nagblog tungkol sa kanya? Kelan nga pala namin sya huling napag-usapan?

Two years ago, kung tamapa ang pagkakantanda ko yan yung haba ng taon na wala na sya pero di ko maalala kung anong taon ko nabilang yan. Minsan habang tumatagal eh nakakalimutan ko ng bumilang. Parang nawala na lang sa ala-ala ko. Minsan naisip ko baka ayaw lang tanggapin ng sarili ko na habang dumadaan ang panahon eh patagal ng patagal ang oras na wala sya.

Kahit pala ipangako ko na palagi ko syang maaalala, hindi rin pala yun natupad, at sa malaon ay hindi ko na rin iyon matutupad. Dahil na lumilipas ang mga gunita . Nagiging nakaraan ang kasalukuyan,at ang maiiwan na lang saatin ay ang isang imahe ng ala-ala iyon. At kapag lumipas sa gunita natin ng imaheng iyon, maiiwan parin saatin ang imahe ng imaheng iyon. Hanggang sa wala na tayong maalala kundi ang ala-ala na lang ng mga gunitang iyon.

Leave a Comment

Random Updates

I have been busy lately that I almost forgot having a blog here at wordpress.  You can find me on my multiply account (boron215) or on my facebook account. I don’t know how to link it here. Just search for my name there.

Here are some bloggable things happened since my last post. (in random order)

[1] Donated a bag of blood in a Kai’s blood-drive. And I am O Rh+ (I’m still waiting for my donor’s card to be mailed by redcross?)

[2] I learned that we shouldn’t take alcohol after donating a bag of blood. Or you’ll get OVER-drunk.

[3] Went on a medical exam as a requirement in my current company. Yes, its a bit late and the doctor labeled me as one of those “pasaways”. Guess what? I’m healthy.

[4] I was able to finish season one of HistoryPH and I’m currently on the last few chapters of season two. I’m getting tired of the plot.

[5] Current Wii games I bought : Super Mario Galaxy and Super Smash Bros. Brawl! I’m still saving for a gamecube controller or another wiimote+nunchuk combo. I’m want to brawl with Arwin as soon as possible

[6] I bought a USB Wireless AccessPoint adapter from CDR-King and it works like a charm :) Now I can play onlineusing friend codes.

[7] I was able to contact Thadds after a long “cold/psy war”

[8] Its not advisable to visit Manila Ocean Park at this period of time. Spectators themselves felt like being a sardine in can.

[9] I missed eating at Chowking

[10] I’m starting to work on another series entitled “Lit-Org”

Comments (3)

Ang Sarili ko ay Lolo ko

Nagtagpo sina Dhigs at Dhing sa isang bus stop at nag-usap sila. Panay-panay ang emote ni Dhing ng mga problema sa kanyang pamilya. Hanggang si Dhigs ang nagsalita, “Pare, sa tingin mo, nakakaloko ang mga problema mo sa pamilya mo? Tingnan mo naman ang sitwasyon ko…..

“Ilang taon na ang nakararaan, nakatagpo ko ang isang biyuda na may isang dalagang anak. “Nagpakasal kami, kaya nagkaroon ako ng isang stepdaughter. Hindi nagtagal, pinakasalan ng tatay ko ang stepdaughter ko. “Kaya ang nangyari, ang stepdaughter ko ay stepmother ko rin, at ang tatay ko ay stepson ko rin. “Ang misis ko ay naging mother-in-law ng kanyang father-in-law. Biyenang babae ng kanyang biyenang lalaki, ikanga. “Ang anak na babae ng aking asawa, ang aking stepmother, ay nagkaroon ng anak na lalaki. “Ang sanggol na ito
ay half-brother ko dahil anak siya ng aking ama. Pero dahil anak siya ng anak ng aking asawa, apo siya ng aking asawa. “Kaya lolo ako ng aking kapatid
sa ama.

“Okey pa sana ito, hanggang nagkaroon kami ng asawa ko ng isang anak na lalaki. “Ang half-sister ng aking anak, ang aking stepmother, ay lola rin niya. Kaya ang tatay ko ay brother-in-law ng aking anak, na ang stepsister ay asawa ng aking anak. “Kung gayon, ako ay brother-in-law ng aking stepmother. Ang asawa ko ay tiyahin ng sarili niyang anak. Ang anak ko ay pamangkin ng aking ama, at ang sarili ko ay lolo ko, di ba nakakaloko?. .

Leave a Comment

Older Posts »
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.