Archive for December, 2007

Something I learned

Hindi pala maganda sa pakiramdam pag ang isa mong kaibigan ay bumabawi sayo dahil sa utang na loob. Or yung nag e-exist lang yung friendship dahil may utang naloob siya sayo.

I’ll be welcoming 2008 in two days time. Same old same old. I never had a friendship that was like when I was eight.

Comments

Late Christmas Wish List

Gagayahin ko lang yung iba kong ka-blogger na gumawa ng kanilang Christmas Wishlist para sa taong ito. Medyo late na pero pwede na rin tutal nararamdaman ko pa naman ang Christmas Spirit. Ayan-ayan sumasanib na, tawagin na si Ka-Emong.

Narito ang listahan dapat kung maaga ko itong nagawa.

1. Medyas
2. Nintendo Wii
3. Cap
4. Earplugs
5. I-Pod
6. EEE PC
7. Suzuki Violin School Volume 1 to 10
8. PSP Slim and Lite
9. Wii Boxing Gloves
10. DVD ang Bioman, Spring Waltz, Coffee Prince, Nodame Cantabile at Detective Conan

At narito naman ang mga natanggap ko based sa list at kung kanino galing.

Medyas -> Arwin ( nagexchange gift kami nung pasko)
Nintendo Wii -> Bumili ako! Regalo ko sa sarili ko
Cap -> Arwin (Prince of Tennis na Cap, binilan ako para terno sa Wii Sports Tennis Game)
Earplugs -> Bumili ako! Kaso ngayon eh sira na.
DVD ang Bioman -> Galing sa nakabunot saakin sa exchange gift. Thank You. :)
DVD ng Spring Waltz -> Arwin (kasi 2 days ko di nasubaybayan yung Spring Waltz sa ABS-CBN)

Kung titignan maigi si Arwin lang talaga ang naka-alala saakin ngayon pasko. at paetida na yan kasi Iglesia yan at di sila nagpapasko.

Nasaan na ba ang mga kaibigan kong Katoliko? May Bagong Taon pa naman. Pwede pang humabol. $_$

————————————–

mula sa post ni Jeni

Dete: Ate, ano gusto mong regalo?
Ate: Wag na, isobre mo na lang.

Nilagay ni dete sa brown envelope yung regalo nyang wrist watch kay ate.

Comments

Kanina ko pa gusto umuwi

Alam ko na kailangan nya ng kausap ngayon, pero d ako makaalis sa trabaho.

Tingin ko, babawi na lang ako mamaya.

Let happy be where sadness was..

Comments

Kung Pinoy si Noah….

Kung Pinoy si Noah….

…Ganito ang mangyayari sa barko. Read along…

Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang “specs” ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? “Tumugon si Noah,”Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag
lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang
30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at
tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation” .

Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”. “Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto”. Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.”

Comments

I should quit violin

Comments