Archive for Sidetrip

Kanina ko pa gusto umuwi

Alam ko na kailangan nya ng kausap ngayon, pero d ako makaalis sa trabaho.

Tingin ko, babawi na lang ako mamaya.

Let happy be where sadness was..

Comments

Kung Pinoy si Noah….

Kung Pinoy si Noah….

…Ganito ang mangyayari sa barko. Read along…

Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang “specs” ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? “Tumugon si Noah,”Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag
lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang
30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at
tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation” .

Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”. “Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto”. Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.”

Comments

The Fastest Elevator in Philippines

Last Tuesday, Nag adventure kami ni Aning. We applied as a web designer at Ascend Asia. The company that kicked out my present boss. It took us whole afternoon just to finish the formality exam. On lunch we ate our old-time favorite Liempo and Bicol express the usual turo-turo style. And before leaving Makati, we stopped by at West Contact Services building to experience the fastest elevator in the Philippines.

Walang sinabi ang Tycoon center. Service elevator pa lang ng mga building sa Makati eh yun na ang pinaka magandang elevator. Bulok na yung company, bulok pa yung building. Saan ka pa? Hahaha

Comments (2)

Embarassing Moments and DrumMania

Twice nangyari ito ngayong araw at hindi ko ito makakalimutan dahil dalawang beses itong ginawa nung taong Aning! na ito.

Unang Beses :  Ako kasi ang gumawa nung isa nyang sitebuild kaya nung nagkarevision eh saakin din bumagsak yung pag rerevised. Ang alam ko nun eh nasa likod ko sya dahil kinukwento ko yung gagawin kong pag slice sa PSD at sa pag co-code na gagawin ko sa Dreamweaver. Pero pagtingin ko sa likod ko wala na pala. Mabuti at di naman gaano napansin nung mga katabi ko.

Pangalawang Beses : Meron ulit akong revision nya na inaayos. Tungkol sa blog customization sa wordpress. Eh medyo bihasa ako dun kaya ako ang tumira. May konting error lang sa coding at installation. Kaya nung nagtanong sya kung ano yung ginagawa ko eh nagpaliwanag ako ng nagpaliwanag. Nalaman ko na lang na wala pala akong kausap nung nagsalita si EdSam, “Kuya Oli, wala po kayong kausap!” Tapos nakita ko si Aning! andun sa malayong dulo.

——————————–

Nakakaadik itong DTX Drum Mania.  Thanks kay Aning sa pag iintroduce nito saakin. Fair narin yung nahanap ko yung gusto nya na Haruka Kanata na simulation file para sa DTX .  Bwahaha!

Comments (1)

something weird

Nawiwierdohan ako sa sarili ko simula kahapon ng umaga, feeling ko, lahat ng emosyon ng mga kaibigan na nakakwentuhan ko naabsorb ko. Okay lang sana kung totally na absorb ko atleast nakatulong ako sa kanila na mawala ang sorrows nila. Kaso hindi eh. May mga bagay nanagpapasakit sa damdamin nila na di nila kaya ilabas. Nailabas ko kanina nung naglalakad ako sa timog, at nung nakasakay ako ng bus kani-kanina lang nung pauwi. Ako ang umiyak para sa kanila.

Sa patuloy na paghahanap ko ng silbe ko sa mundo, naisip ko na habang hindi ko pa nalalaman kung ano yon. Gugugulin ko na lang ang oras ko sa pagtulong sa mababait kong mga kaibigan na dumamay  saakin nung down na down ako. Tinatanaw ko iyon na malaking utang na loob. Dapat bayaran. At babayaran ko yun ng habang buhay. Hindi dahil sa kailangan kung hindi dahil sa gusto ko iyon gawin at dahil sasaya ako kung gagawin ko iyon.

Patunay lang na may-sa pusa talaga ako. Sumama kahit kaninong mabait at kung sino ang pumapansin. At hindi ko iyong kinakahiya.

Si Aaron, nakipagbreak ung gf nya sa kanya. Sya yung kaibigan kong na hindi marunong express ng damdamin sa salita.  Kaya ako ang gumawa nun para sa kanya. Nung mga oras na yun eh damang-dama ko yung depression nya. I just put his feelings into words. It worked.

Si Shiela, yung friend ko na na inlove head over heels sa isa kong friend din kahit na may sari-sarili silang relasyon. Nag-sisisi ako na hindi ako nakapasok nung araw na sana ay nakatulong ako matupad isang bagay na gustong-gusto nya… ang makasama yung taong isa pa nyang mahal. Kahit na alam namin na hindi naman ito masusuklian. Napaka komplikado pero naabsorb ko yun.

Si Denise, nakomplikado din ang lablyf. Pumunta sya saakin at umiyak sa balikat ko talaga. Naawa namana ako kay kapatid na Denise kay alam ko kung gaano yun kasakit.  madali sana solusyunan yun kung handa ba syang marining ang mga sagot sa mga tanong nagumugulo sa isip at puso nya.

Yang tatlong yan ang malalapit kong kaibigan. Pinangako ko na talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari tutulungan ko sila kahit sa anong paraan. Makabawi lang sa mga abala na binigay ko sa kanila at sa mga oras na kinuha ko sa kanila… halos mag-dadalawang buwan na rin simula nung araw yun.. na ayaw ko ng maalala…

Ayoko na rin silang abalahin pa. Kuntento na ako sa oras at panahon na binigay nila. They’re hope itself to me.

Eto lang ang masasabi ko sa inyong tatlo :

take chances, take a lot of them…because honestly, no matter where you end up and with whom, it always ends up just the way it should be. 

Comments (1)

Romeo x Juliet

Isa ito sa aking bagong kinaka-adikan. Ang ganda kase ng kwento. Ganitong mga series ung gusto ko medyo old-english /medievalish ung setting ng era, comedy, action at halong fantasy. Paborito ko na sya. Bwahahaha.

Basta, nakaka-adik sya. Di pa ata ito tapos sa Japan eh. Episode 11 pa lang ako at yung nandun sa source ko eh Ep18 lang. Sabi sa wikipedia hanngang Ep 24 ito at Magtatapos sa last week ng september.

Medyo iba ito sa original na sinulat ni William Shakespeare, kasi nagpapanggap na lalaki dito si Juliet. At kung buhay lang si Shakespeare eh mag nonosebleed sya sa mga eksena at kikiligin sya kung mapapanood nya ang tinatawag na “Legendary Balcony Scene”.

Isa rin sa interesante sa series na ito eh yung opening song nya eh japanese version ng “you raised me up” ni pareng Josh Groban.

—————————————

Kung naaalala nyo yung kanta ng Spongecola na Gemini eto ung lines na ginamit doon.

“Sin from thy lips? O trespass sweetly urged! Give me my sin again.”

Translation: Nakaka – L kang lumaplap! Isa pa nga.

 “You kiss by the book.”

Translation: Galing mo rin lumaplap! Expert!

“Thus with a kiss, I die.”

Translation: Ang baho ng hininga! Pamatay!

“Good night, good night! Parting is such sweet sorrow that I shall say good night till it be morrow.”

Translation: Sige batsi na ko, gabi na e. Bukas uli.

———————–

nakuha ko lang yan sa isang blog.

Comments (1)

Rurouni Neko

reign_of_shiva: masyado kang mailap pare, para kang pusang gala =/
Oliver: ano mailap?
Oliver: brb recon
Oliver: back
reign_of_shiva: yo
Oliver: anong pusang gala
reign_of_shiva: rurouni neko
reign_of_shiva: haha
reign_of_shiva: mailap ang mga pusang kalye
reign_of_shiva: yung kapag tinatawag mo “swiswiswiswiswi”
reign_of_shiva: hindi lalapit sayo
reign_of_shiva: pwedeng lalapit pero medyo malayo pa rin sayo
reign_of_shiva: tapos kapag gumalaw ka lang ng konti, tatakbo na palayo
reign_of_shiva: as in malayong malayo
reign_of_shiva: tapos sisilipin ka
reign_of_shiva: =/
reign_of_shiva: ay ang dami kong na-type
reign_of_shiva: haha
Oliver: bakit naman ako ganun
reign_of_shiva: kasi sa pusang gala
reign_of_shiva: kailangan meron ka munang maipakita na pagkain para lumapit sya sayo
reign_of_shiva: kapag wala, iisipin nya na sasaktan mo lang sya
reign_of_shiva: kaya hindi sya lalapit sayo
reign_of_shiva: minsan nga pagdududahan pa nila yung pagkain na hawak mo
Oliver: waaaah
reign_of_shiva: iisipin nila na kaya ka may pagkain para mahuli mo sya
Oliver: pusang gala nga ako
reign_of_shiva: kaya lang kasi, ang mga pusang gala, posibleng may experience na
reign_of_shiva: experience, meaning, nasabuyan na sila ng kumukulong tubig dati
reign_of_shiva: or nataga na ng kutsilyo
reign_of_shiva: kaya mailap sila sa tao
Oliver: ahh
reign_of_shiva: or may sumipa na sa kanila na sira ulo
reign_of_shiva: mga ganung experience
Oliver: alam na alam
reign_of_shiva: ikaw ba nagka-experience ka na kaya ka mailap?
Oliver: sobrang dami na
reign_of_shiva: pasensya na, matindi lang talaga pagmamahal ko sa mga pusa
Oliver: sa bahay namin 8 ang pusa and growing

Comments

friends are friends….

Nung nagdaan buwan medyo problemado ako, nalagpasan ko yun sa tulong ng mga kaibigan kong bago man o luma.

Nung last few days, nagkaproblema ako ulit, isang isyu na palaging nauulit. Sabi nga nila history repeat itself to those who don’t learn, and those who don’t learn are doomed to repeat.

Nung elementary ako, nangyari yung pinagchismisan ang closeness namin nung isang kong kaklase kase nga bago lang kami naging close at biglaan. Itago natin sya sa pangalang Michael Asistores. Sinubukan ko patayin yung isyu sa pamamagitan ng pagsali sa ibang grupo at inapi namin yung closefriend ko, inaasar namin sya palagi ng Michael Butete, kasi chubby sya konti. Nung nagka-utak ako at naging mature, doon ko naramdaman yung guilt. At doon ko lang naramdaman yung sakit.

Dito sa office namin, may isyung ganun. Kumalat, amf! mga malisyoso. Si Aaron Aning (praning) kasi eh saksakan ng praning at ako naman ay Otistik (authistic) kaya kami ay nag-click. Biglaan. Puro lokohan at biro-an. Mga 3 weeks cguro yun kung idradraft natin sa Gantt Chart/Time Table. Kaya siguro madami nagtaka. Mga taong kakilala ko, mga taong di ko close, mga taong close nya, mga taong close namin, mga taong di namin ka-close.

Binalak ko ulitin na lang yung ginawa ko nung elementary. Pero shempre di ko na aawayin. sobra na yun. Kung nung bata ako, sarili ko lang iniligtas ko, this time, yung kaibigan ko naman. Kung hindi ko man nagawa yun kay Michael, gagawin ko yun kay Aaron Aning. Ayun, todo iwas ako. no choice. Minsan nagtatago. kaso sabi nung iba kong kaibigan sa office, parang napaka obvious at ginagawa kong komplikado. Isa pa nag-aalala din ako kung ano na ang pananaw ni Aaron Aning sa medyo kumakalat na isyu. Kaso wala ako lakas na loob magtanong.

Sabi ni Paul, dapat daw magdecide ako kung anong tingin ko the best. At matuto daw ako mag-lihim. Secrecy is the key to success. Kaya naisip ko, palipat na lang ako sa morning shift, gagawa ako ng dahilan. So nagemail ako sa mga boss. Gusto ko rin yung idea na yun.

Una : Mapapatay ko yung isyu

Pangalawa: Maaayos ko ang sarili ko. Maibabalik ko yung reputasyon, respeto at benefit of the doubt na dapat ibigay saakin ng mga tao.

Pangatlo : Magpapapayat ako at total make-over courtesy of “Kay Susan Tayo”. at shempre joke na itong third part.

Kakakausap ko lang kay Aaron Aning. sabi nya wag na ako lumipat kc!  Meron talagang “kc!”Kaya tinanong ko sya.

Aaron Aning: wag k n kc lumipat!
OTI OLI: hmm. alam mo na rin naman ung dahilan eh.
Aaron Aning: kung hindi nmn 22o, bkit k mgpapaapekto dba?
OTI OLI: point taken.
OTI OLI: cge kung ikaw ang nasa kalagayan ko. ano ang gagawin mo?
Aaron Aning: pakialam nila!
Aaron Aning: cla ang may problema hindi ako
Aaron Aning: :P
OTI OLI: eh ikaw bilang ikaw, anong gagawin mo?
Aaron Aning: e d lalaban
Aaron Aning: :P
OTI OLI: ubusan ng lahi.
Aaron Aning: uu
OTI OLI: naisip ko na rin yan
Aaron Aning: batuhan ng earth ball

Naisip ko, pwede naman pala, wag ako bumaba sa morning shift at harapin namin yung isyu kasi di naman totoo. Mananapak lang kami, tatahimik na siguro sila.

Aaron Aning: tska marami n ko nging kaibigan n pinagdududahan din e
OTI OLI: salamat rhon
OTI OLI: okay ka talaga, para kang si kokey.
Aaron Aning: in fact isa rin ako sa nagduda, pero i proved n hindi
Aaron Aning: :P
Aaron Aning: friends are friends….
Aaron Aning: :D
OTI OLI: yup!
OTI OLI: aning ka talaga
OTI OLI: nagduda ka rin pala
Aaron Aning: hindi sau
Aaron Aning: loko!

Friends are Friends, ika nga ni Aaron Aning.  Kung itutuloy ko pa ang plano ko, para narin akong nang-iwan ng kaibigan. Kaso ineexpect na rin ako ng mga new friends ko sa morning shift. Waaaaaaaaaaah!

[Thank You Portion]

Jeni Garcia - Nung nawala si Jenhao silang tatlo ni jacq at Elysse ang pumalit. salamat sa paglalakad sa baha este sa putikan kasama ko.

Shiela Camus - OA na ako kung OA, pero mas malakas ka parin humagulgol nung nanood tayo ng A Love Story. Salamat sa Lahat ng pagdamay mo simula’t sapul, aalis ka na sa company, My evenings won’t be the same without you. Wala kang kaparis! Sing taba ka ng chopsticks!

Aaron Zipagan - Aning aning ka talaga. Pero okay kay para kang si Kokey. Kaya maintain mo yang buhok mong ganyan. Salamat sa simpleng kakulitan. Yun talaga yung kailangan ko nung panahon na yun. Sige lang. upakan na natin mga taong yun!

Denise Ocampo  - Magpahinga ka naman. Nakakalimutan mo na magsuklay. Thanks sa lahat. Sa pangaral at pakikinig sa aking mga ka-otistikan. Nag aadvice din ako. Try nyo naman noh!

Nadja Legaspi - 092285NADJA. Thanks din sayo. Comic relief ka talaga. Next time try mo magsuot ng fit.

Paul Belandres - Paul, pakipukpok ulit ako pag ako ay namomoblema at paki-pagalitan ako kung ako’y nagiging impulsive. Ang sarap makinig sayo. Nakaka-enlighten. Pahingi ulit n gquotable quotes ah :)

Louie Pangan - Pare yung inaanak ko, pag-aralin mo ng piano. Hahaha. Salamat sa pag-iintindi. Hanggang dito na lang ang isyu. tapos na :P loko ka sayo ito nagstart. Pero salamat sa puna mo, at napa-isip kami. Ang P13.20 at P3.70 ay iisa?

Joel Dennis Muyco - Direk, madami nagbago. Naghirap ka, naghirap ako, naghirap din yung iba para sa company. Salamat sayo. Lets strive for the best. Tulungan tayo hanggang huli. Para sa bayan ito!

Mark Daniel Bagang - Iwas sa sterioids huh! Thanks din sayo. Isa karin sa makukulit.

[end]

Yung iba sa susunod na

Comments (2)

Blast from the Past 1

Nag babrowse ako ng old blog ko at na encounter ko ito.

 ”Mga bagay na palaging sinasabi saakin ni Wildone”

(1) don’t talk when your mouth is full
(2) ang wallet sa bulsa nilalagay
(3) wag sasama sa mga monthsarry date ng iba
(4) bawas bawasan mo kakulitan mo
(5) makiramdam ka
(6) hindi lahat ng oras kasama mo ako,
(7) ay cellphone ka, dun ka tumingin ng oras
( 8) kaw na, kaya mo yan
(9) sinabihan ka lang ng ganun, nagagalit ka na..
(10) kilalanin at kontrolin mo kasi sarili mo
(11) gusto ko magbago ka na, para din naman sayo yun eh
(13) kaw rin naman nang-aasar ka kung kelan mo gusto
(14) Ni minsan nde kita sinabihan nyan, puro dirty finger lang

Si Wildone ay so-called bestfriend ko nung college. Madami kami pinagdaanan nyan. Puro away-bati. Hanggang naging casual friends na lang. Sabi nga nila, ang baso pag nalamatan di na pwede gamitin. Kung mahalaga sayo, itago mo na lang.

Comments

Box of Cookies

Imagine you’re in an airport. While you’re waiting for your flight, you notice a kiosk selling shortbread cookies. You buy a box, put them in your traveling bag and then you patiently search for an available seat so you can sit down and enjoy your cookies.Finally you find a seat next to a gentleman. You reach down into your traveling bag and pull out your box of shortbread cookies. As you do so, you notice that the gentleman starts watching you intensely. He stares as you open the box and his eyes follow your hand as you pick up the cookie and bring it to your mouth. Just then he reaches over and takes one of your cookies from the box and eats it!

You’re more than a little surprised at this. Actually, you’re at a loss for words. Not only does he take one cookie, but he alternates with you. For every one cookie you take, he takes one!

Now, what’s your immediate impression of this guy? Crazy? Greedy? He’s got some nerve! Can you imagine the words you might use to describe this man to your associates back at the office? Meanwhile, you both continue eating the cookies until there’s just one left.

To your surprise, the man reaches over and takes it. But then he does something unexpected. He breaks it in half, and gives half to you. After he’s finished with his half he gets up, and without a word, he leaves.

You think to yourself, “Did this really happen?” You’re left sitting there dumbfounded and still hungry. So you go back to the kiosk and buy another box of cookies. You then return to your seat and begin opening your new box of cookies when you glance down into your traveling bag.

Sitting there in your bag is your original box of cookies — still unopened.

Only then did you realize that when you reached down earlier, you had reached into the other man’s bag and grabbed his box of cookies by mistake!

Now what do you think of the man? Generous? Tolerant? You’ve just experienced a profound paradigm shift. You’re seeing things from a new point of view.

Is it time to change your point of view? Now, think of this story as it relates to your life. Seeing things from a new point of view can be very enlightening. Think outside the box. Don’t settle for the status quo. Be open to suggestions. Things may not be what they seem.

———-

 source

Comments (2)

« Previous entries