Kung Pinoy si Noah….

Kung Pinoy si Noah….

…Ganito ang mangyayari sa barko. Read along…

Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang “specs” ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? “Tumugon si Noah,”Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag
lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang
30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at
tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation” .

Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”. “Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto”. Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.”

Comments

I should quit violin

Comments

Man’s Bestfriend

I over heard someone and he said, “if you ever own a dog, you’ll know the true meaning of friendship..”

And I beg to disagree, “A dog doesn’t have a logical mind as human beings do. Thats why as a result, they’re always loyal. Human relationships are more complex and our relationships are formed by different circumstances..”

Comments

OZ Seo Services

OZ Seo Services

OZ Seo Services

Comments

Going back to freehostia

Going back to freehostia

link to new blog

Comments

The Fastest Elevator in Philippines

Last Tuesday, Nag adventure kami ni Aning. We applied as a web designer at Ascend Asia. The company that kicked out my present boss. It took us whole afternoon just to finish the formality exam. On lunch we ate our old-time favorite Liempo and Bicol express the usual turo-turo style. And before leaving Makati, we stopped by at West Contact Services building to experience the fastest elevator in the Philippines.

Walang sinabi ang Tycoon center. Service elevator pa lang ng mga building sa Makati eh yun na ang pinaka magandang elevator. Bulok na yung company, bulok pa yung building. Saan ka pa? Hahaha

Comments (2)

Contemplate muna

When you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.
When you are sorrowful look again in your heart, and you shall see that in truth you are weeping for that which has been your delight.

[The Prophet, Kahlil Gibran]

Comments (1)

Something to Ponder

Anything that annoys you gives you the opportunity to build patience. Anything that interrupts or delays your plans gives you the opportunity to strengthen your level of acceptance. Challenges provide you with the chance to learn new skills. Disappointments can help you open yourself to new, more valuable options. Many of life’s best treasures do not seem to be treasures at all when they first arrive. They gain their value as you accept them and find ways to make positive use of them. Do you ever feel yourself getting annoyed or frustrated? Remember that there’s an opportunity in there somewhere. Do things sometimes not work out as planned? The more quickly you accept what has happened, the more real and positive value you’ll gain from the experience. Whatever may come your way, it is an opportunity to live more fully. Know that there’s value in every twist and turn, and you’ll surely tap into that value. [Ralph Marston]

Comments (1)

Embarassing Moments and DrumMania

Twice nangyari ito ngayong araw at hindi ko ito makakalimutan dahil dalawang beses itong ginawa nung taong Aning! na ito.

Unang Beses :  Ako kasi ang gumawa nung isa nyang sitebuild kaya nung nagkarevision eh saakin din bumagsak yung pag rerevised. Ang alam ko nun eh nasa likod ko sya dahil kinukwento ko yung gagawin kong pag slice sa PSD at sa pag co-code na gagawin ko sa Dreamweaver. Pero pagtingin ko sa likod ko wala na pala. Mabuti at di naman gaano napansin nung mga katabi ko.

Pangalawang Beses : Meron ulit akong revision nya na inaayos. Tungkol sa blog customization sa wordpress. Eh medyo bihasa ako dun kaya ako ang tumira. May konting error lang sa coding at installation. Kaya nung nagtanong sya kung ano yung ginagawa ko eh nagpaliwanag ako ng nagpaliwanag. Nalaman ko na lang na wala pala akong kausap nung nagsalita si EdSam, “Kuya Oli, wala po kayong kausap!” Tapos nakita ko si Aning! andun sa malayong dulo.

——————————–

Nakakaadik itong DTX Drum Mania.  Thanks kay Aning sa pag iintroduce nito saakin. Fair narin yung nahanap ko yung gusto nya na Haruka Kanata na simulation file para sa DTX .  Bwahaha!

Comments (1)

something weird

Nawiwierdohan ako sa sarili ko simula kahapon ng umaga, feeling ko, lahat ng emosyon ng mga kaibigan na nakakwentuhan ko naabsorb ko. Okay lang sana kung totally na absorb ko atleast nakatulong ako sa kanila na mawala ang sorrows nila. Kaso hindi eh. May mga bagay nanagpapasakit sa damdamin nila na di nila kaya ilabas. Nailabas ko kanina nung naglalakad ako sa timog, at nung nakasakay ako ng bus kani-kanina lang nung pauwi. Ako ang umiyak para sa kanila.

Sa patuloy na paghahanap ko ng silbe ko sa mundo, naisip ko na habang hindi ko pa nalalaman kung ano yon. Gugugulin ko na lang ang oras ko sa pagtulong sa mababait kong mga kaibigan na dumamay  saakin nung down na down ako. Tinatanaw ko iyon na malaking utang na loob. Dapat bayaran. At babayaran ko yun ng habang buhay. Hindi dahil sa kailangan kung hindi dahil sa gusto ko iyon gawin at dahil sasaya ako kung gagawin ko iyon.

Patunay lang na may-sa pusa talaga ako. Sumama kahit kaninong mabait at kung sino ang pumapansin. At hindi ko iyong kinakahiya.

Si Aaron, nakipagbreak ung gf nya sa kanya. Sya yung kaibigan kong na hindi marunong express ng damdamin sa salita.  Kaya ako ang gumawa nun para sa kanya. Nung mga oras na yun eh damang-dama ko yung depression nya. I just put his feelings into words. It worked.

Si Shiela, yung friend ko na na inlove head over heels sa isa kong friend din kahit na may sari-sarili silang relasyon. Nag-sisisi ako na hindi ako nakapasok nung araw na sana ay nakatulong ako matupad isang bagay na gustong-gusto nya… ang makasama yung taong isa pa nyang mahal. Kahit na alam namin na hindi naman ito masusuklian. Napaka komplikado pero naabsorb ko yun.

Si Denise, nakomplikado din ang lablyf. Pumunta sya saakin at umiyak sa balikat ko talaga. Naawa namana ako kay kapatid na Denise kay alam ko kung gaano yun kasakit.  madali sana solusyunan yun kung handa ba syang marining ang mga sagot sa mga tanong nagumugulo sa isip at puso nya.

Yang tatlong yan ang malalapit kong kaibigan. Pinangako ko na talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari tutulungan ko sila kahit sa anong paraan. Makabawi lang sa mga abala na binigay ko sa kanila at sa mga oras na kinuha ko sa kanila… halos mag-dadalawang buwan na rin simula nung araw yun.. na ayaw ko ng maalala…

Ayoko na rin silang abalahin pa. Kuntento na ako sa oras at panahon na binigay nila. They’re hope itself to me.

Eto lang ang masasabi ko sa inyong tatlo :

take chances, take a lot of them…because honestly, no matter where you end up and with whom, it always ends up just the way it should be. 

Comments (1)

« Previous entries · Next entries »