something weird

Nawiwierdohan ako sa sarili ko simula kahapon ng umaga, feeling ko, lahat ng emosyon ng mga kaibigan na nakakwentuhan ko naabsorb ko. Okay lang sana kung totally na absorb ko atleast nakatulong ako sa kanila na mawala ang sorrows nila. Kaso hindi eh. May mga bagay nanagpapasakit sa damdamin nila na di nila kaya ilabas. Nailabas ko kanina nung naglalakad ako sa timog, at nung nakasakay ako ng bus kani-kanina lang nung pauwi. Ako ang umiyak para sa kanila.

Sa patuloy na paghahanap ko ng silbe ko sa mundo, naisip ko na habang hindi ko pa nalalaman kung ano yon. Gugugulin ko na lang ang oras ko sa pagtulong sa mababait kong mga kaibigan na dumamay  saakin nung down na down ako. Tinatanaw ko iyon na malaking utang na loob. Dapat bayaran. At babayaran ko yun ng habang buhay. Hindi dahil sa kailangan kung hindi dahil sa gusto ko iyon gawin at dahil sasaya ako kung gagawin ko iyon.

Patunay lang na may-sa pusa talaga ako. Sumama kahit kaninong mabait at kung sino ang pumapansin. At hindi ko iyong kinakahiya.

Si Aaron, nakipagbreak ung gf nya sa kanya. Sya yung kaibigan kong na hindi marunong express ng damdamin sa salita.  Kaya ako ang gumawa nun para sa kanya. Nung mga oras na yun eh damang-dama ko yung depression nya. I just put his feelings into words. It worked.

Si Shiela, yung friend ko na na inlove head over heels sa isa kong friend din kahit na may sari-sarili silang relasyon. Nag-sisisi ako na hindi ako nakapasok nung araw na sana ay nakatulong ako matupad isang bagay na gustong-gusto nya… ang makasama yung taong isa pa nyang mahal. Kahit na alam namin na hindi naman ito masusuklian. Napaka komplikado pero naabsorb ko yun.

Si Denise, nakomplikado din ang lablyf. Pumunta sya saakin at umiyak sa balikat ko talaga. Naawa namana ako kay kapatid na Denise kay alam ko kung gaano yun kasakit.  madali sana solusyunan yun kung handa ba syang marining ang mga sagot sa mga tanong nagumugulo sa isip at puso nya.

Yang tatlong yan ang malalapit kong kaibigan. Pinangako ko na talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari tutulungan ko sila kahit sa anong paraan. Makabawi lang sa mga abala na binigay ko sa kanila at sa mga oras na kinuha ko sa kanila… halos mag-dadalawang buwan na rin simula nung araw yun.. na ayaw ko ng maalala…

Ayoko na rin silang abalahin pa. Kuntento na ako sa oras at panahon na binigay nila. They’re hope itself to me.

Eto lang ang masasabi ko sa inyong tatlo :

take chances, take a lot of them…because honestly, no matter where you end up and with whom, it always ends up just the way it should be. 

1 Comment »

  1. shiela said

    teka teka….anong head over heels inlove? at sinong may sabing nde masusuklian? nasagot na yan. hahahah! oh well, anyway…that was a long time ago na. hihihi. hmm…ung last statement mo, parang alam ko kanino galing.😀 tnx oliver.

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: