Kanina tinanong ko ang isa kong kaibigan kung bakit ang cinnamon eh tinuturing na spice pero di naman siya spicy. Kung bakit ang coke-zero na zero sugar ay matamis kahit walang naman asukal. Medyo scientific ang approach nung sagot nya. Sabi nya dahil sa Artificial sweeteners na kaparehas ng compound ng glucose o sugar. Ang artificial ba ay macoconsider na fake? Sumagot lang sya ng “hmmm”.
Kung bakit marami akong close friend na parang di naman kami close talaga. At kung bakit may mga bestfriend na di naman best.
Aba, akalain mong pinagalitan pa ako. Bakit daw kailangan mag-label kung di naman angkop yung tao at sitwasyon.
Bakit nga ba kung minsan naghahanap ka ng makakausap pero humahantong ka na lang sa pakikipag-usap sa sarili mo? (Ibang level siguro kung tatawa pa kayo)
Bakit kung kelan mo kailangan ng kasama saka wala naman tao?
Para saan nga ba ang “Available, Busy, Away, Out to Lunch, On Vacation” Status sa YM. Para ba malaman ng kausap mo kung anong ginagawa mo?
Bakit may taong busy kahit di naman busy? O available tapos sasabihin na may ginagawa sila.
Bakit may taong naka-headphone at nagkukunwari na may pinapakinggan kahit wala naman talaga?
Bakit kung kelan kailangan ko ng karamay saka naman ako hihiritan ng sariling problema nila?
Bakit kung kelan ako naglalabas ng sama ng loob saka naman sila sumasabay saakin? (hindi ito yung utot ha.)
Kung bakit kahit aminin mo pa na ikaw ang may-mali ikaw pa ang sasabihan ng hindi nakakaintindi.
At kung bakit kung sino pa yung malapit parang ang layo naman pala.
Wrong timing ba ako? Hindi naman by appointment dumarating ang problema eh. Pwede kaya yun isingit sa weekly planner para organize. O kaya daily quota na kailangan 3 hours lang ako iiyak sa isang problema.
Kung may naoverlooked man ako cguro meant to be na yun. Maraming paraan dba. Yun lang eh kung gusto talagang gawin.